Drama Queen
Monday, May 22, 2006
im so scared right now... scared of losing something so perfect...
i just realized that im the same old jona who's weak inside...
"tapang-tapangan" kind of attitude will lead to no good.
"at the end... il be the one who's gonna hurt so bad...
at the end... it'll all just repeat...
the pain...
and how i handled everything"
stupid mistake...
why cant i be someone who's not slow to change?
Saturday, May 13, 2006
Kung gaano ako kaingay eh ganun din kaingay ang utak ko. Pag tahimik ako… ganon din ang utak ko.
Hectic parati ang mga paa ko kakalakad kung saan saan, kumbaga ako ay “laman ng kalye”. Hectic din bibig ko kakadaldal. Lalong lalo na ang utak kong muntik na matunaw.
Simple lang naman ang gusto kong sabihin... gsto kong magsulat. Pero katamaran ang kalaban ko.
Sa dami ng nagyayari sa akin sa isang araw at sa dami kong nakikila at nkakahalubilong tao, siguradong kailangan ng volume 1 to volume 100 kung ikkwento ko ang buhay ko mula pagkabata. At sa dami kong nagging mukha at personalidad eh hanggang ngayon di ko parin alam kung sinu at paano ko ba ipapakilala ang sarili ko.
Naging masunurin at suwail akong anak. Naging maton, punkista, rakista, kikay, payat, mataba, emo, mabait, masama, bobo, matalino, kaibigan, kaaway, masaya, malungkot, tarantado, patapon, lider, at tagasunod. Kaya kong maging kahit sinu o anu base sa kung sinu kasama ko at kung anu gusto kong gawin sa buhay ko. Naging maangas ako, maton, muntik pako mag PMA, naging cheerdancer, naging singer, at naging babaeng mahilig sa “make-up”. Madali akong maadik sa mga bagay bagay, pero hindi sa bawal na, ano nga ulit yun?
Sa totoo lang hindi ko alam kung anu ba talaga ang dapat isulat ko dito, at hirap na hirap ako magsulat dahil sa impluwensya ng “txt language”. Paulit- ulit na “backspace” at “delete” dahil sa kakagamit ko ng nasabing “lenggwahe ng mga kabataan”.
Balik na tayo sa mga laman ng utak ko. Sa ngayon naka online ako sa “yahoo messenger” at ang status messege ko ay “nangangati utak ko”. Ang daming nagreact at hindi makuha ang ibig kong sabihin. Nakakatawa at may humirit pang, “kuto lang siguro yan”. Naisip ko, pwede rin. Kuto… tulad ng kutong sumisip ng dugo, e pwede ko rin gamitin bilang representasyon ng mga walang kwenta at basurang kaisipang pumapasok sa utak ko. Siguro maituturing kong “kuto thoughts” yung mga walang kwentang bagay na pinagsasabi ko ngayon.
Siguro nga pinanganak ako para maging isang napaka-masiyahing tao. At nagsusulat ako ngayon para lang may “ma-share” at dahil feel ko lang. Joke. Marahil marami akong dahilan sa pagsusulat ko nito, at isa na rito ay sa gusto kong maibahagi sa inyo ang pakikipagsapalaran ng mga paa ko sa paglalakad kung saan saan.
- end
Friday, May 12, 2006
Kasama ko nnman si fitch. at as usual, inumpisahan nmen ang araw ng mga walang kabuluhang usapan. so sumakay kami ng bus... mainit kahit aircon bus. pagdating sa may libertad, nasira ung aircon.
instant.. nging ordinary bus ung sinasakyan nmeng aircon bus. nyeta.
pag dating sa taft, diretso sa school, at diretso sa "UM" papuntang "kokobytes".. nkakamiss din pla tumambay dun. So eion, nakita ko ulit ang bestfriend kong si "brenda" na mannequin sa kokobytes na mukhang aswang at si "amat" na mannequin din.. mahaba ang leeg at nagiisa lng ang mata.
habang naghihintay kay ken, walang humoay na pagpapatawa ang ginawa ko. nkakapagod pero masaya ^___^, di ba halata? haha...
at ayun dumating na nga ang hinihintay ko. kumain kami ng mcdo at dumiretso ng SM. sa uulitin, hindi sunshine mall kundi Shoemart (pde ren "Shoe Mall", joke).
at nanuod ng MI:3, tumambay sa true brew, at nagusap ng masinsinan. pagkatapos ay sumakay na kami ng bus pauwi at tumambay ulit sa bahay.
ayaw ko na sana matapos ung araw na kasama sha.. pero kelangan e.
=out
Wednesday, May 10, 2006
dami ko iniisip. di ko maorganize.
halo halong may sense at wala.
kagabi habang ngtetelepono ako.. may nagtanong sken ng mga sumusunod na bagay:
-sa mga "Ex" mo, sinu pinakaminahal mo?
-sa mga "Ex" mo, kanino ka nging masaya?
-at kelan nman ung mga panahon na nging masaya ka sknya?
-bakit ka nging masaya nun?
-e panu kung magbalikan kayo?
-etc...
hindi naman sa mahirap sagutin.. siguro kaya lang ako nahirapan kse, wala nakong mga sagot para sa mga gnyang tanong.
napaisip lang talaga ko nung hindi ko msagot yung mga tanong na,
-at kelan nman ung mga panahon na nging masaya ka sknya?
-bakit ka nging masaya nun?
ang hirap sagutin.. sobra.. prang nablanko utak ko. *swooosh*
pero hindi ko alam bkit isang bagay na masaya ang naalala ko. naalala ko bigla ung oras na nakaupo lang kme sa sahig ng bahay at ngkukulitan. at mga bagay na ngflashback sa utak ko tulad ng:
-"untalktative bunny" overdose
- ung "time crisis" mania
- dvd marathons
-tekken series
- after school madness
- cheerdance practices na parati shang nakabantay
- pag bisita nya sa school
-shopping
- simply giving me whatever i crave for.. lalo na foods haha
-being beside me in 5 mins... kahit nsan sha.
-etc..
enumerating all of this made me realize something. i realized that i was happy all that time. siguro natabunan lang ng hurt and pains ung mga happy times and memories making it hard for me to recall.
pero this doesn't mean that im not over that person. coz i am way over him ^_^
and right now... i am with ken. at super saya ko all the time. ^_^
kasi knowing that i have ken is enough for me to smile and be happy all the time. kht di ko sha kasama prati.


