Kung gaano ako kaingay eh ganun din kaingay ang utak ko. Pag tahimik ako… ganon din ang utak ko.
Hectic parati ang mga paa ko kakalakad kung saan saan, kumbaga ako ay “laman ng kalye”. Hectic din bibig ko kakadaldal. Lalong lalo na ang utak kong muntik na matunaw.
Simple lang naman ang gusto kong sabihin... gsto kong magsulat. Pero katamaran ang kalaban ko.
Sa dami ng nagyayari sa akin sa isang araw at sa dami kong nakikila at nkakahalubilong tao, siguradong kailangan ng volume 1 to volume 100 kung ikkwento ko ang buhay ko mula pagkabata. At sa dami kong nagging mukha at personalidad eh hanggang ngayon di ko parin alam kung sinu at paano ko ba ipapakilala ang sarili ko.
Naging masunurin at suwail akong anak. Naging maton, punkista, rakista, kikay, payat, mataba, emo, mabait, masama, bobo, matalino, kaibigan, kaaway, masaya, malungkot, tarantado, patapon, lider, at tagasunod. Kaya kong maging kahit sinu o anu base sa kung sinu kasama ko at kung anu gusto kong gawin sa buhay ko. Naging maangas ako, maton, muntik pako mag PMA, naging cheerdancer, naging singer, at naging babaeng mahilig sa “make-up”. Madali akong maadik sa mga bagay bagay, pero hindi sa bawal na, ano nga ulit yun?
Sa totoo lang hindi ko alam kung anu ba talaga ang dapat isulat ko dito, at hirap na hirap ako magsulat dahil sa impluwensya ng “txt language”. Paulit- ulit na “backspace” at “delete” dahil sa kakagamit ko ng nasabing “lenggwahe ng mga kabataan”.
Balik na tayo sa mga laman ng utak ko. Sa ngayon naka online ako sa “yahoo messenger” at ang status messege ko ay “nangangati utak ko”. Ang daming nagreact at hindi makuha ang ibig kong sabihin. Nakakatawa at may humirit pang, “kuto lang siguro yan”. Naisip ko, pwede rin. Kuto… tulad ng kutong sumisip ng dugo, e pwede ko rin gamitin bilang representasyon ng mga walang kwenta at basurang kaisipang pumapasok sa utak ko. Siguro maituturing kong “kuto thoughts” yung mga walang kwentang bagay na pinagsasabi ko ngayon.
Siguro nga pinanganak ako para maging isang napaka-masiyahing tao. At nagsusulat ako ngayon para lang may “ma-share” at dahil feel ko lang. Joke. Marahil marami akong dahilan sa pagsusulat ko nito, at isa na rito ay sa gusto kong maibahagi sa inyo ang pakikipagsapalaran ng mga paa ko sa paglalakad kung saan saan.
- end
