Monday, August 07, 2006

la lng......... namiss ko lng tong blog na toh

Punong puno at umaapaw ng mga ideya ang aking “partially melted brain”. Gustong gusto kong isulat lahat ng mga ito ngunit malaking bahagi ng mga ideyang ito ay “senseless” at puro kalokohan lamang.

Example nalamang ng walang kwentang bagay na nasa utak ko ngayon ay ang storya ng lalaking nagsasayaw ng pandanggo sa tabi ng ilog na may lumulutang na sirang gitara dahil nakipag-break sakanya ang kanyang girlfriend na naglaslas sa harap ng salamin habang may matandang tumatawa sa ulan. Walang sense, walang kwenta ngunit aminin man natin o hindi, mahilig tayo sa mga kwentong walang katuturan.

Sa pagbabasa ko ng kung ano anong libro at iba pang babasahin na madalas natin akalaing puro patawa lamang o mukhang “gagshow” na binabasa ay nahanap ko ang motivation ko sa pagsusulat. Doon ko natutunan at gusting ipahayag kung paano talaga magbasa ng isang libro ng hindi lamangnagbabasa ng mga letra, kung hindi magbasa at intindihin kung anu ba talaga ang gusto ipahayag ng nilalaman ng libro.

Mahilig ako tumambay sa mga bookstore. Hindi man ako bibili, ngunit nakikibasa lang. Mahilig din akong obserbahan ang mga tao at ang mga librong tinitingnan, hawak at pinipili nila. Doon ko nakikita kung saan nga ba interesado ang mga tao ngayon.

Eto ay hango sa pangyayari habang nakapila ako sa bookstore at nagbabayad ng aking school supplies.

Nanay : ano yan? Wala nman kwenta yan.. saying sa pera!!!
Anak: libro ni Bob Ong toh! Nakakatawa toh…
Kuya: patingin!! Patingin!!
(sabay agaw sa libro)
Anak: o tingnan mo sikat sha o!! may comment pa si J.K Rowling na gumawa ng Lord of
The rings at si Dan Brown na gumawa ng Da Vinci Code!!
(medyo hinihingal hingal pa dahil mabilis na pagsasalita)

*take note: si J.K Rowling ang nagsulat ng Harry Potter series.

Napapangiti at natatawa nalang ako sa narinig ko. Sino ba naman kasing “ogag” ang maniniwala na sila nga ay nagcomment dun? Totoo ngang sinayang lamang niya ang pera ng nanay niya sa pagbili ng librong iyon.